Tagalog (Filipino)
Alamin ang tungkol sa online na payo sa kaligtasan at mga mapagkukunan ng impormasyon sa Filipino.
Ang eSafety Commissioner (eSafety)
Ang eSafety Commissioner (eSafety) ang independiyenteng regulator ng Australya para sa online na kaligtasan. Kami ay isang ahensya ng Pamahalaan ng Australya.
Tumutulong ang eSafety na panatilihing ligtas ang lahat ng mga taga-Australya laban sa mga online na pinsala at nagtataguyod ng mga paraan upang magkaroon ng mas ligtas at mas positibong online na mga karanasan. Mayroon kaming ligal na mga kapangyarihan upang protektahan ang mga taga-Australya sa karamihan ng online na mga platform at forum kung saan ang mga tao ay nakakaranas ng pang-aabuso o pananakit.
Ang eSafety ay mayroon ding mga libreng programa at mapagkukunan ng impormasyon sa online na kaligtasan.
Makakatulong ang eSafety na alisin ang malubhang nakakapinsalang mga online na nilalaman. Ang mga maaaring kabilang sa seryosong nakakapinsalang nilalaman ang:
- cyberbullying sa mga bata
- cyber na pang-aabuso sa mga nasa hustong gulang
- maselang mga larawan o video na ibinahagi nang walang pahintulot ng taong ipinapakita
- hindi ligal at pinaghihigpitang nilalaman.
Upang malaman kung paano gumawa ng ulat magpunta sa: eSafety.gov.au/report
Maaari mo ring tawagan ang Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-interpret sa 131 450 para sa isang interpreter na tutulong sa iyo sa paggawa ng ulat sa eSafety.
Maaari kang gumamit ng Google Translate para basahin ang Ingles na mga bahagi ng pahinang ito
On this page:
Adult cyber abuse
Mabilis na gabay para sa pang-aabuso sa online sa mga taong nasa hustong gulang
Ipinapaliwanag ng gabay na ito kung ano ang pang-aabuso sa online sa mga taong nasa hustong gulang, kung ano ang dapat gawin kung mangyayari ito sa iyo, at paano ang pagsusumbong nito at paghingi ng tulong.
Domestic and family violence
Advice and information to assist people who are experiencing online abuse as part of domestic and family violence.
Download the guides for more information
Resources for parents and carers
Podcasts
Downloads
Last updated: 12/08/2024